Skip to main content

Escribo Tomasino is an independent publication that provides academic news, opinion and creative writing to the Thomasian community.



Kahit na isang kusing, ito ay may dating



Araw-araw nag-iipon
Ng isang munting baon
Ng pag-asa at galak
Kabuuang magaganap.
Kahit baya'y naghihirap
Ito'y babango't maglalayag
Tungo sa buhay na
Kahit payak ay di salat.

Anumang magaling
Kahit na maliit
Basta't malimit ay
Patungong langit.
Kahit na isang kusing
Ito ay may dating
Sa pusong may pag-ibig
May pangarap na sasapit
At ang tangi niyang sandigan
Ay ang Diyos at kapatid.

Iyan ang tugtuging kasunod ng Lupang Hinirang tuwing Lunes ng umaga sa aking dating paaralan. Ang lahat ay nakangiting kumakanta’t sumasabay sa indayog ng musika habang isinasayaw ang koreograpya ng awitin ng Pondo ng Pinoy. Ngunit, ano nga ba ito’t saan ito nagmula? Kaninong mga kamay kaya naibabahagi ang munti kong piso?

    ‘Jay-jay’, sabi ng aking guro sa Christian Living Education o CLED, iyan daw ang pangalan ng batang may hawak na lata’t may punit na damit na ating nakikitang naka-displey sa halos lahat ng simbaha’t mga Katolikong paaralan. Nabanggit din niya na si Jay-jay ang naging simbolo ng pag-iimpok sa bote ng Pondo ng Pinoy, at sa katunayan pa raw ay hango sa totoong buhay ang kuwento ni Jay-jay at kaniyang iniipon ang kahit anong mga barya, maski na ang singkong-duling sa kalsada na tinatapaktapakan lamang.

    Ang Pondo ng Pinoy ay sinimulan ng Arsobispo ng Manila Luis Antonio G. Cardinal Tagle noong ika-10 ng Agosto 2015 bilang isang programang kontra kahirapan. Mula noon, mula sa maliit na grupo ng taong nakaaalam nito, dumami na ng dumami ang mga nagnanais tumulong, ang mga boteng umaapaw ng pagkamatulungin, at lalong lalo na rin ang ating mga natutulungan - magmula sa pagpapaaral, hanggang sa pagpapakain, at tulong sa mga pang-araw araw na pangangailangan.

    Maliit man ang isang sentimo sa sukat nito, malayo at marami ang kayang maabot nito. Unamang maliit, basta’t galing sa pusong nais tumulong, kahit na isang kusing, ito ay may dating.

Back to top

Comments

Popular posts from this blog

TomasiNEW ako!

A Quick Guide to Studying in UST Good morning, sunshines! Oras na para sunugin ang kilay sa pinagmamalaking Pontifical, Royal, Catholic, at ang pinakabagong titulo, Aquatic University of Santo Tomas! Para sa mga baguhan riyan, nako! Ihanda na ang sarili sa samu’t saring gawain sa iba’t ibang asignatura na iyong makakalaban pagpasok ng unibersidad. Para sa mga karamay kong hindi na fresh, kaunting paalala lang mula sa inyong kapwa-Tomasinong nagluma na. Ano ba ang dapat kong gawin pagpasok ng UST? Make sure you are in your complete uniform.  Kapag ikaw pinansin ni kuya guard, good luck na lang papasok ng building mo.  Wear your ID at all times.  Ang ganda-ganda ng lanyard, hindi mo susuotin? Sayang 300 mo sis!  Greet the teachers warmly.  Sila ang second parents niyo. Nawa’y igalang natin sila nang lubusan.  Show mutual respect to all authorities.  Even our maintenance staff. No one should be disrespected! Anong dapat kong dalh...


What is UST for you?



Rachelle Dematera

A solace for wandering souls.



Selina Famisan

“An institute that fosters excellence and integrity among its students and faculty members while upholding faith.



Bianca Patricia Mae Illana

A training ground that brings out the best in you.



Rachel Kelly Lagasca

A community - easy to love, a university -difficult to survive, and a sanctuary -hard to depart.



Abigail Larisma

Will break you to ashes, but will also be the cause for your rebirth to greatness.



Angelica Joyce Lomboy

A place that will push you to your limits.



Constancio Angelo III Maralli

A place of solidarity where you can grow with blood of gold.



Alexandra Jan Mendoza

A community of diverse individuals.



Reyniel Joshua Mercado

Where the heart is.



Kaiser Carel Ocampo

A dream, now a reality.



Kenneth Gabriel Opoc

Home."



Gabrielle Andrea Palma

A place for people with the potential to be great.



Elijah Raine Silva

A community for all.



Lanz Jeremy Sy

Where life begins.