Skip to main content

Escribo Tomasino is an independent publication that provides academic news, opinion and creative writing to the Thomasian community.



Yeso



Dati,

Hindi ko inakala
Na ang aking araw-araw
Ay tuluyang makukulayan.

Hindi ko inabalang
Isipin na ang aking upo sa silid
Ay lubusang mabubuhayan.

Akala ko,

Paggising sa umaga ay maliligo na naman,
Magsisipilyo na naman,
Magbibihis na naman,
Papasok na naman,
At pupuwesto sa silid habang
Pinapakain ng pansamantalang kaalaman.

Hindi.

Sa inyo ko napag-alaman
Kung paano gamitin ang "ng" at "nang"
Kung bakit bilog ang mundo
At kung tayo lang ang buhay na nilalang.

Sa inyo ko natutunan
Ang kahusayan ng kultura
Ang kasaysayan ng sining
At kung bakit ito unti-unting nabubura.

Sa inyo ko nagawang matuto
Paano humihinga ang baga
Paano naipapàsa ang katangian
At ang pagpapakaraming kay hiwaga.

Sa inyo ko napagtanto
Na simple lang ang panandaan
Na kailangan pagtiyagaan ang pamalitan
Na madali i-factor ang dawaking tumbasan.

Salamat, dahil,

Kahit ang boses ay napapaos
At ang paa'y nangangalay
Kayo'y nakatayo pa ri't
Nakangiti nang buong malay.

Salamat, dahil,

Kahit ang mga kamay ay nangangatog
Ay napupuno pa rin ang pisara ng sulat
Gawa ng mga kamay na tila namumutla
Sa pulbos ng puting yesong kumakalat.

At kahit na umabo ang pulbos ng munting yeso
Ay hindi natitigil ang enggrandeng bokasyon
Na ang paghubog ng utak ay mula sa puso
At hindi lang isang karaniwang orasyon.

Titser, para kang yeso.

Kumpara sa kapirasong lumiliit sa sulatan,
Nilalaan mo ang iyong oras sa paglahad ng kaalaman.
At kahit tila ika'y napupudpod sa kapaguran,
Ang iyong intensyon ay nakataga sa aming looban.

At ito'y hindi kalilimutan.
Magpakailanman.
Sa hinaharap.
Sa paghihirap.
Sa kaginhawaan.
Simula sa kasalukuyan.

Hanggang sa araw
Na ako na ang may hawak
Ng kapirasong yesong napupudpod sa sulatan.

Back to top

Comments

Popular posts from this blog

TomasiNEW ako!

A Quick Guide to Studying in UST Good morning, sunshines! Oras na para sunugin ang kilay sa pinagmamalaking Pontifical, Royal, Catholic, at ang pinakabagong titulo, Aquatic University of Santo Tomas! Para sa mga baguhan riyan, nako! Ihanda na ang sarili sa samu’t saring gawain sa iba’t ibang asignatura na iyong makakalaban pagpasok ng unibersidad. Para sa mga karamay kong hindi na fresh, kaunting paalala lang mula sa inyong kapwa-Tomasinong nagluma na. Ano ba ang dapat kong gawin pagpasok ng UST? Make sure you are in your complete uniform.  Kapag ikaw pinansin ni kuya guard, good luck na lang papasok ng building mo.  Wear your ID at all times.  Ang ganda-ganda ng lanyard, hindi mo susuotin? Sayang 300 mo sis!  Greet the teachers warmly.  Sila ang second parents niyo. Nawa’y igalang natin sila nang lubusan.  Show mutual respect to all authorities.  Even our maintenance staff. No one should be disrespected! Anong dapat kong dalh...


What is UST for you?



Rachelle Dematera

A solace for wandering souls.



Selina Famisan

“An institute that fosters excellence and integrity among its students and faculty members while upholding faith.



Bianca Patricia Mae Illana

A training ground that brings out the best in you.



Rachel Kelly Lagasca

A community - easy to love, a university -difficult to survive, and a sanctuary -hard to depart.



Abigail Larisma

Will break you to ashes, but will also be the cause for your rebirth to greatness.



Angelica Joyce Lomboy

A place that will push you to your limits.



Constancio Angelo III Maralli

A place of solidarity where you can grow with blood of gold.



Alexandra Jan Mendoza

A community of diverse individuals.



Reyniel Joshua Mercado

Where the heart is.



Kaiser Carel Ocampo

A dream, now a reality.



Kenneth Gabriel Opoc

Home."



Gabrielle Andrea Palma

A place for people with the potential to be great.



Elijah Raine Silva

A community for all.



Lanz Jeremy Sy

Where life begins.